NICANOR PULGADO
“Mahalaga sa akin na ma-rehistro ako para na rin sa kapakanan ko at pagkakakilanlan, para kung saan man ako mapunta, o saan ako mapadpad na lugar, meron akong maipapakitang identification.”

BRYAN GATCHALIAN
“Malaking tulong po ang PhilID para sa pangarap ko sa pamilya ko. Magagamit (ito) sa pag-loan (at) pagbabangko ng pera.”

LYKA WAEL
“Mahalaga po (ang magparehistro sa PhilSys) dahil magagamit ko po sa government na (transactions) at kapag nagtrabaho ka. ‘Pag nag-trabaho ako, magagamit ko siya at kapag hihingi ng tulong sa gobyerno, yun ang ipe-present ko na ID.”

ALVIN ASPURIA
“Ngayon po, hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng account sa LANDBANK (sa tulong ng PhilSys registration). Napakaganda po para sa akin. Maaari (na kaming) makapag-deposito ng pera para sa future ng aming mga anak.”

JOHN QUIEL PEREGRINO
“ … mas mapapadali po nito yung paghahanap ko ng documents po tsaka other information pagdating sa future.
Tinulungan po nila (PhilSys registration staff) kami mag-fill up po sa SM tapos yung delivery [ng PhilID] po, napadali rin po ito dahil sa mismong bahay na ito [dinala] “

LETICIA FLORES
“ Marami [ang mapaggagamitan ng PhilID]. Sa mga transaksyon sa bangko, sa negosyo. Malaking bagay, maraming purpose. [Sa nga hindi pa nakaka-rehistro], magpa-register na dahil madaming bagay ang pwedeng gamitin nito. Napakaraming purpose talaga nito.”

JERICK GARCIA DE ASIS
“ Makakatulong po [ang PhilID sa pagkuha ng driver’s license]. Maraming-maraming salamat po dahil di na po namin kailangan umalis. Idineliver na po talaga sa bahay namin. “

LORNA CARTAJENAS
“ Makakatulong po ito lalo na sa school ng anak ko. Sa pagkuha ng ayuda at tsaka pag transaksyon po. Naging maayos po at malaking tulong po ito dahil dineliver mismo dito sa bahay namin.”

BERNARDO RISMA
“ Maganda naman (ang naging registration). Mas maayos at tsaka mas madali (rin ang pagde-deliver). Kaya natuwa ako dahil binigay na dito mismo sa’min.”

JENNYROSE PEÑAFLOR
“ Makakatulong po sa akin [ang PhilID] dahil wala po akong valid ID. Magagamit ko po ito sa pag-aaral ko o kaya kapag lilipat ako ng ibang school. Maging sa pagtatrabaho, mapapakinabangan ko ito.”

ALVIN PEREZ
“ [Naging] napakadali [ng proseso] at napaka-efficient ng mga tumulong sa akin sa pagpaparehistro ko [sa registration center]. Magiging malaki ang tulong nitong [PhilID] lalo na sa aming mga PWD. Hindi na namin kailangang magdala ng kung ano-ano pang ID kaya mapapadali ang lahat ng transaksyon [namin].”

LIZA NARAG
“ Maski saan, pinapakita ko na ‘yung PhilID ko kapag kailangan. [Kahit na ito] lang ‘yung ipnresenta kong ID, nakapag-transact na ako sa bangko kung saan ako may account at nakakuha ng birth certificate para sa anak ko at death certificate ng tatay ko.”

ROBERTO GABAS
“ Mula ng magkaroon ako ng PhilID, mas mabilis ‘yong transaction kasi ina-accept agad nila, [Mairerekomenda ko ito] kasi faster ‘yong transaction ‘pag sa mga government [establishments], mga bangko, at remittance center.”

REGINA ESCULTOR
“ Walang hassle ang pag-proseso ko ng mga dokumento dahil sa PhilID.”
